“Lakbay Sanaysay”

IMG_20171001_215616_080.jpg

Ika-23 ng Setyembre taon 2017 ng ginanap ang aming lakbay-aral sa Intramuros, Fort Santiago, National Museum at Luneta Park. Ito ay upang lumawak pa lalo ang aming mga kaisipan ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa nakaraan. Napapaloob dito ang mga klase ng pamumuhay ng mga sinaunang tao at ang kanilang mga ibat-ibang uri ng kagamitan. Ipinapakita dito ang agwat ng pamumuhay nila noon sa klase ng pamumuhay natin ngaun, at kung paano naimpluwensyahan ng ibang lahi ang ating  kultura at ang ating mga nakagawiang mga bagay.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

“Asan na kayo? ” , “anung oras na wala pa din kayo dito !”, “On the way na !”, (kahit nagsusuklay at nagmamake up palang) , “wait nyo kami guys”, “naligaw na tayo”, ” asan na tayo”

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Iilan yan sa mga maririnig nyo sa amin noong kami ay naglalakbay , kung iisipin ang filipino talaga ay may tinatawag na FILIPINO TIME halimbawa 6am ang napag usapan kitaan pero 6am aalis pa lang sa bahay , isa pa lamang yan sa mga halimbawa ng filipino time . Nakakalungkot sa una dahil alam dapat natin ang mga responsibilidad bilang estudyante at bilang disiplina sa ating sarili pero sa mga negatives na ngyari sa aming paglalakbay ,dito naman nabuo ang aming samahan bilang isang seksyon.

 

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Sobrang saya kahit sobrang pagod na, gutom , pawisan pero makikita nyo parin ang ngiti sa aming mga labi dahilan sa mga lugar na aming nilakbayan .

➖➖➖➖➖➖➖➖

Una na aming pinuntahan ay ang “Intramuros” dito namin nakita ang mga larawang nakakapang agaw atensyon ,nakakita rin kami dito ng malaking kanyon or “canon” na ginagamit noong unang panahon sa pakikipaglaban. Nadaanan namin ang Manila Cathedral at Palacio De Gobernador , inilibot pa namin ang intramuros hanggang makarating kmi sa “Fort Santiago” na makikita sa loob ng intramuros. Hindi naging madali ang paghahanap namin dito, kinailangan panamin magtanong sa ibang tao at maglakad ng malayo upang makarating dito. Dito sa Fort Santiago ikinulong si Dr.Jose Rizal noong Nobyemre 3 1896. Makikita sa loob ang pinag kulungan ni Dr.Jose Rizal at metal na yapak na kanyang pinaglakaran. Nakakamangha ang loob ng Fort Santiago, para kang bumalik sa kasaysayan ng ating pambansang bayani sa kadahilanan ng lumang istruktura na sa hanggang ngayon ay makikita parin dito.  Ang pasukan ng Gate ng Fort Santiago ay tunay na nakamamangha, hindi na kami nagtataka kung bakit napakaraming turista ang nakakasalubong namin rito. Nakita namin rito ang museum ni Jose Rizal at ibat iba pang nanasakop nito.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

“National Museum” at ” Museum of the Anthropology” ito ang aming pangalawang statsyon na kung saan ang dalawang grupo ay naghati upang lahat kami ay makapasok ng sabay sabay ngunit ibat ibang larawan ang aming makikita, puro larawan , paiting,sculpture,statue ang nakita namin doon sobrang malikhain talaga ang mga Pilipino ngayon at noong unang panahon. Kamangha mangha ang ipinakita ng ating mga ninuno gamit ang kanilang pagiging artistic at creative . Mapapansin din natin ang mga larawan o painting ay hindi kagandahan pero ito ay may malalim na kahulugahan sa ating bansa. Tunay na napakaganda ng Pambansang Museo ng ating bansa, punong puno ng kasaysayan at mayayamang nakaraan. Hindi rin namin pinalampas na masilayan ang prestihiyosong “SPOLARIUM” na ipininta ni Juan Luna kung saan siya ay nananalo ng unang parangal sa patimpalak na ginanap sa bansang Esapanya..

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

At ang huli ay ang Luneta or “Rizal Park” . Hindi pa rin talaga kumukupas sa ating mga Pilipino ang Luneta Park hanggang sa ngayon ay patuloy parin natin itong pinupuntahan at patuloy na mas pinapaganda ba . Nakakamanghanga ang mga guardia na nag babantay sa statwa ni Rizal , ginagawa talaga nila ang makakaya nila upang mabantayan ito ng maayos. Noong pinagmamasdan namin ang mga guard pilit nilang kinakaya kahit nakakangalay na at nakita rin namin kung ano ang ginagawa nila kapag sila’y nangangalay. Ang mga guard ay naglalakad paikot sa statwa ni Rizal upang ang kanilang pangangalay sa pagtayo ay maibsan ng konting pahinga kahit man sila’y naglalakad nakakabawas pa rin ito ng ngalay sa kanilang mga paa. Habang tumatakbo ang oras, napansin namin ang isang malaking gusaling itinatayo sa bandang likod ng munumento sa likod ng bantayog na munumento, ito ay matatanaw mula mismo sa harap ng kanyang munumento. Ito ay sumusira sa imahe ng ating bayani at maging sa imahe ng ating bansa. Gayun din sa imahe na malilikha ng mga taong nagpapakuha rito ng litrato. Nakakalungkot isipin na ang ganitong kawalan ng respeto ng mga pribadong kumpanya ay pinahihintulutan at hindi parin inaaksyunan ng ating pamahalaan. Di bale na, Ang importante dito nakaukit ang kasaysayan ng ating bansa sa panahong nagpakabayani si Rizal. At sa Luneta din namin naranasan ang maghati hati ng pagkaen upang makaraos sa aming kagutuman sobra kasing mamahal ng mga paninda doon kaya’t minabuti namin pagsalu saluhan ang aming mga baon para sa ikalalakas ng lahat. Ang saya sa pakiramdam dahil kahit minsan man kaming nag away away nagawa parin namin magtulungan sa bandang huli .

➖➖➖➖➖➖➖➖

ARAL mula sa LAKBAY-SANAYSAY:

Marami kaming natutunan sa paglalakbay aral na ito. Marami kaming nalaman at mas lumawak pa ang aming isipan  tungkol sa ating nakaraan. Mas nararamdaman namin na ngayon ang diwa ng paghihimagsikan at kahalagahan ng ating kasaysayan. Dahil dito sa Paglalakbay-aral na ito, mas lalo  pa naming minahal ang bansang Pilipinas at marapat lamang na ipagmalaki natin ito!